Friday, December 15, 2017

PAANO BA PINUPUNAN ANG MGA NABAKANTENG PUWESTO NG ISANG BARANGAY KAGAWAD

ni
Oliver Emocling
http://mysite.dlsu.edu.ph/student/11231084/palit.html

Matapos ang pagpanaw ni Kagawad JR Monroy noong Nobyembre 21, 2013, naging tanong ng marami kung sino ang papalit sa kanyang pwesto sa Kagawaran ng barangay. Paano nga ba pinupunuan ang mga pwestong nababakante sa barangay?


Ayon kay Kapitan Victorio Trinidad, sa pagkakataong may pumanaw na kagawad, siya ang magtatalaga kung sino ang uupo sa nabakanteng pwesto. Ayon kay Kapitan Torre, “Kasi marami na akong experience sa pag-upo ko na ‘yung mga kagawad namatay. Ako nag-aappoint eh.” Umugong ang usap-usapan na napili na ni Kapitan Torre ang kasama niyang kandidato para sa kagawad na si Errol Alonzo. Gayunpaman, nilinaw rin ni Kapitan Trinidad na si Errol Alonzo ang una niyang napili para umupo biloang kagawad. Siya [Errol Alonzo] ang mapipili ko sana kasi siya ‘yung medyo maganda boto. Siya ipapalit ko sana,”katuwiran ni Kapitan Trinidad.

May napili man si Kapitan Trinidad na umupo sa nabakanteng pwesto, nag-iba na umano ang patakaran ngayon. Ipinaliwanag niya na pinapili siya ni Mayor Antolin Oreta ng tatlong tao na nais niyang umupo bilang kapalit ni Kag. JR Monroy. “Gusto ni Mayor magpasok ako ng tatlong tao, tatlong pangalan, siya pipili raw,” paliwanag ni Kapitan Trinidad.

Isinumite na umano ni Kapitan Trinidad ang pangalan ng tatlong tao na nais niyang umupo bilang kagawad. Kasama rito sina Errol Alonzo at Marcel Bulilan na kumandidatong kagawad sa barangay halalan 2013 sa ilalim ng grupo niya. Napili rin niya ang dating Sangguniang Kabataan Kagawad na si Jaime Alonzo na kumandidato rin noong 2010 para sa kagawad.

Nakagasumite na ang barangay ng listahan, subalit hinihintay pa rin nila ang desisyon mula kay Mayor Oreta. Hindi pa tiyak ni Kapitan Trinidad kung kalian darating ang desisyon, ngunit siniguro niya na maaaring dumating na ang desisyon sa loob ng linggong ito. Ang bagong kagawad na uupo ang hahawak sa mga proyektong pang-edukasyon.

Hindi ito ang unang beses na nabakante ang isang pwesto sa Sangguniang Barangay. Sa loob ng nakaraang tatlong termino ni Kapitan Trinidad, tatlong beses ding may nabakanteng pwesto ng Kagawad. Noong tumakbo si Kagawad Vim Quimson, pinalitan siya ni Kagawad Monching de Jesus na nagsisilbing kagawad ngayon. Noong pumanaw naman si Kagawad Mario Ang, pinalitan siya ni Kagawad Sayas. Noong pumanaw naman si Kagawad Mimo Areliola, muling umupo si Kagawad Monching De Jesus.