ni
Oliver Emocling
http://mysite.dlsu.edu.ph/student/11231084/palit.html
Matapos ang pagpanaw ni Kagawad JR Monroy noong Nobyembre 21, 2013, naging tanong ng marami kung sino ang papalit sa kanyang pwesto sa Kagawaran ng barangay. Paano nga ba pinupunuan ang mga pwestong nababakante sa barangay?
Ayon kay Kapitan Victorio Trinidad, sa pagkakataong may pumanaw na kagawad, siya ang magtatalaga kung sino ang uupo sa nabakanteng pwesto. Ayon kay Kapitan Torre, “Kasi marami na akong experience sa pag-upo ko na ‘yung mga kagawad namatay. Ako nag-aappoint eh.” Umugong ang usap-usapan na napili na ni Kapitan Torre ang kasama niyang kandidato para sa kagawad na si Errol Alonzo. Gayunpaman, nilinaw rin ni Kapitan Trinidad na si Errol Alonzo ang una niyang napili para umupo biloang kagawad. Siya [Errol Alonzo] ang mapipili ko sana kasi siya ‘yung medyo maganda boto. Siya ipapalit ko sana,”katuwiran ni Kapitan Trinidad.
May napili man si Kapitan Trinidad na umupo sa nabakanteng pwesto, nag-iba na umano ang patakaran ngayon. Ipinaliwanag niya na pinapili siya ni Mayor Antolin Oreta ng tatlong tao na nais niyang umupo bilang kapalit ni Kag. JR Monroy. “Gusto ni Mayor magpasok ako ng tatlong tao, tatlong pangalan, siya pipili raw,” paliwanag ni Kapitan Trinidad.
Isinumite na umano ni Kapitan Trinidad ang pangalan ng tatlong tao na nais niyang umupo bilang kagawad. Kasama rito sina Errol Alonzo at Marcel Bulilan na kumandidatong kagawad sa barangay halalan 2013 sa ilalim ng grupo niya. Napili rin niya ang dating Sangguniang Kabataan Kagawad na si Jaime Alonzo na kumandidato rin noong 2010 para sa kagawad.
Nakagasumite na ang barangay ng listahan, subalit hinihintay pa rin nila ang desisyon mula kay Mayor Oreta. Hindi pa tiyak ni Kapitan Trinidad kung kalian darating ang desisyon, ngunit siniguro niya na maaaring dumating na ang desisyon sa loob ng linggong ito. Ang bagong kagawad na uupo ang hahawak sa mga proyektong pang-edukasyon.
Hindi ito ang unang beses na nabakante ang isang pwesto sa Sangguniang Barangay. Sa loob ng nakaraang tatlong termino ni Kapitan Trinidad, tatlong beses ding may nabakanteng pwesto ng Kagawad. Noong tumakbo si Kagawad Vim Quimson, pinalitan siya ni Kagawad Monching de Jesus na nagsisilbing kagawad ngayon. Noong pumanaw naman si Kagawad Mario Ang, pinalitan siya ni Kagawad Sayas. Noong pumanaw naman si Kagawad Mimo Areliola, muling umupo si Kagawad Monching De Jesus.

11 comments:
Kadalasan na nangyayari ang spouse na elected kagawad pagnamatay, ang living spouse ang pinapalit para makatulong financially sa naiwan ng namatay. Pero kung nag-resign ang elected barangay kagawad upang magtrabaho sa abroad tapos i-recommend niya sa Mayor na ipapalit sa kanya ang asawa niya (of course with the concurrence of the barangay council), tulad ng nagyari sa Cannery Site, masagwa naman yata, walang delicadeza. Garapalan na.
Mga kurap yata ang mga barangay opisyal dyan mahilig sa daynastiya. nabasa ko dyan sa blog ng cannery ang mga kagawad dyan sila si mar, cris, saporno, ben, esposado, cabilao, canda yong babae ngayon lalake naman. yong kapitan nila si octavio.
Ganito ba dapat na proseso pag may bagong uupo?diba dapat na pag botohan uli ng taong bayan yan Sakit.info
Pag may nag resign na elected Barangay councilor upang magtrabaho automatic ba na papalitan siya sa kanyang spouse? Hindi ba Yung ika number 8 sa rank ng election noon? Magtanong lang Po. Salamat.
Pwede po bang ang ipalit ay yung EXo ng brgy bilang kapalit sa natanggal na kagawad..?
Hindi ba automatic na pumalit ang pangwalong posisyon sa nabakanting pwesto ? Salamat po
sa amin namatay yung isang kagawad namin,,sino ba dapat ang ipalit
Gaya ng kapatid kong kagawad na namatay, tama ba yong sabi ng Mayor na iwan bakante ang pwesto ng namatay?
Ty
Namatay father ko (1st kagawad) ang pumalit ay ako na anak niya.. but now nagfile muna ako ng leave for three months dahil nasa ibang bansa na ako pero magreresign na rin after leave.. ewan ko nalang kung sino papalit pa ๐๐
kapag nag resign ang isang Barangay kagawad. Sino ang pipili ng papalit..si kapitan ba or yong mismong nag resign?
Halimbawa po namatay ang kagawad sino po ang papalit sa kanya?
Post a Comment