Monday, August 12, 2013

Inang Kalikasan




Uwahig







 

  “Uwahig,” according to IPAG (Integrated Performing Arts Guild ), is a “deconstruction of the Maguindanao Indarapatra epic and the Bukidnon water legend,” that “resets into the mythic realm of wars, violence, and the degradation of the environment in Mindanao’s postcolonial and postmodern landscape.”
          “Weaving folklore in New Theatre, the play retells the story of two brothers who defend the land against darkness. Interspersed in the narrative are the flood legends. Images of contemporary representations of darkness (war, hunger, evacuation, and environmental destruction) are shaped through digital images, puppetry, masks, music, chants, chorus, and poetry.http://www.mindanews.com

Sunday, August 4, 2013

Buwan Ng Wika


Bakit sinabi ni Jose Rizal na ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda?  http://tl.answers.com

Mensahe Ng Pangulong Aquino Para sa Buwan Ng Wika

Mensahe
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Para sa 
Buwan ng Wika
[ika-1 ng Agosto 2013]
Nagkakaisa ang sambayanang Pilipino upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa Agosto, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Nakapaloob ang pagkakakilanlan ng isang lahi sa kanilang wika, at nabubuhay at nagbabago ito ayon sa pangangailangan ng panahong ating ginagalawan. Sa pamamagitan ng tinig na sumasalamin sa kolektibong karanasan at kasaysayan ng ating bansa, higit pa nating napalalalim ang pagkakaisa at diwa ng bayanihan, sa sarili man nating lupain, o saan man makakatagpo ng kapwa nating Pilipino. Nawa’y maging lunsaran ang pagdiriwang na ito ng malawakang tagumpay ng ating lipunan, habang sama-sama nating tinatalunton ang tuwid na landas.
Nagsisimula nang mamunga ang ating pagsisikap; nagsimula na ang pagbawi ng ating pambansang dangal, tumitibay nang muli ang ating mga institusyon, at patuloy ang pag-arangkada ng ating ekonomiya mula  nang tayo’y nanumpang magsilbing mga huwaran ng katarungan, katotohanan, at katapatan. Sa patuloy nating pakikiisa sa ilalim ng agenda ng pagbabago, matitiyak natin na ang panahon ng liwanag at kaunlarang tinatamasa natin ngayon ay magpapatuloy, at siyang mamanahin ng susunod na salinlahi ng Pilipino.
(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III
MANILA